Sunday, November 1, 2009

Lahing Kayumanggi

Lahing Kayumanggi
(Willy Buena- Crossroads 77 BOL Ministries)

Nakikita mo ba
Ang nakikita ng iba
Mga naririnig nila
Naririnig mo ba
Lahi mo ba'y alam mo na
O hinahanap mo pa?

Lahing kayumanggi lumalaban ka ba?
Nangangarap ka ba na tulad ng iba?
Bayan kong natutulog, gumising ka na
Tayo ang magbubuo ng panibagong historya.
Chorus:
Sa bawat pangarap may kalakip na hirap
Sa bawat lakbayin
May maliliit na hakbangin
Itong aming mithiin
Sa 'Yo O Diyos dinadalangin
Ibangon Mo ang aming bansa
Ang lahing kayumanggi.
Ikaw lamang O Diyos ang tanging may alam
Ng aming pinagmulan at patutunguhan
Ibuhos Mo sa amin
Ang apoy ng 'Yong pagmamahal
Upang kami'y makatayo
Bilang Iyong bayan.
Chorus:
Sa bawat pangarap may kalakip na hirap
Sa bawat lakbayin
May maliliit na hakbangin
Itong aming mithiin
Sa 'Yo O Diyos dinadalangin
Ibangon Mo ang aming bansa
Ang lahing kayumanggi.

No comments: